GMA Logo The Clash
What's on TV

'The Clash', magbabalik ngayong 2023

By Jansen Ramos
Published December 18, 2022 3:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

The Clash


Kilalanin ang unang limang pasok sa Top 30 ng bagong season ng all-original Filipino singing competition na 'The Clash' na ipapalabas ngayong 2023 sa GMA.

Matapos ang matagumpay na callback auditions noong Nobyembre, kasadong-kasado na ang pagbabalik ng award-winning musical competition ng GMA na The Clash.

Muling mapapanood ang New York Festivals TV & Film Awards finalist sa pagpasok ng 2023 sa ilalim pa rin ng direksyon ni Louie Ignacio.

Asahan na may bagong exciting na hamong haharapin ang talented contenders mula sa iba't ibang panig ng bansa na maglalaban-laban sa The Clash arena para sa ikalimang edisyon ng all-original Filipino singing competition.

Kaya ngayon pa lang, inanunsyo na simula ngayong Linggo, December 18, makikilala na ang unang batch na pasok sa Top 30 ng The Clash 2023.

Narito ang inisyal na listahan:
Jamie Elise, 16, Bulacan
Arabelle dela Cruz, 21, Laguna
Isaac Zamudio, 19, Mandaluyong
Nash Casas, 24, Cebu
Kirby Bas, 25, Agusan del Sur

Isa na kaya sa kanila ang susunod sa yapak nina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, at ng reigning The Clash grand champion na si Mariane Osabel?

Iyan ang dapat abangan sa The Clash 2023 na malapit nang ipalabas sa GMA.

Para sa iba pang updates tungkol sa programa, manatiling bumisita sa GMANetwork.com/The Clash at sa official Facebook, Twitter, TikTok, at YouTube pages ng The Clash.

SAMANTALA, BAGO PA MAGSIMULA ANG BAGONG SEASON NG THE CLASH, BALIKAN ANG MUSICAL JOURNEY NI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO: