
Unang episode pa lang ay pasabog na agad ang mga tagpo sa pagbabalik ng all-original Filipino singing competition na The Clash.
Hinangaan ng netizens ang buong produksyon, mula sa opening number hanggang sa mismong performance ng anim na The Clash hopefuls na pinili ng ramdomizer.
Sa katunayan, top trending ito sa Twitter kagabi, September 21.
Ang first batch of Clashers na nakapasok sa Top of the Clash ay sina Jun Sisa, Thea Astley, at Marlon Ejeda.
Sinu-suno kaya ang susunod na maglalaban-laban?
'Yan ang dapat abangan ngayong Linggo, September 22, sa The Clash pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.