What's on TV

'The Clash' receives special citation from Gandingan Awards 2021

By Jansen Ramos
Published May 25, 2021 3:26 PM PHT
Updated May 26, 2021 11:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

The Clash receives special citation from Gandingan Awards


Nakikiisa ang 'The Clash' Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, at Journey Hosts na sina Ken Chan at Rita Daniela sa kampanya ng Gandingan Awards kontra COVID-19.

Kinilala ang GMA singing competition na The Clash sa katatapos lang na Gandingan Awards o 15th University of the Philippines Los Baños (UPLB) Isko't Iskas Multimedia Awards.

Nakatanggap ng special citation ang The Clash bilang Most Development-oriented Musical Program para sa segment na 'Laban Kung Laban' sa ikalawang season ng programa na ipinalabas noong 2019.

Nagpasalamat naman ang Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, at Journey Hosts na sina Ken Chan at Rita Daniela sa mga bumubuo ng Gandingan Awards na inorganisa ng UPLB College of Development Communication.

Bilang pakikiisa sa kampanya ng Gandingan Awards 2021 kontra COVID-19, ini-engganyo ng The Clash hosts ang bawat isa na magpabakuna. "Midya: Kaagapay ng Bayan sa Pagharap sa Krisis sa Pampublikong Kalusugan" ang tema ng academic organization ngayong taon.

Saad ni Rita, "Naniniwala po kami na malalampasan natin to basta sama-sama. Stay safe, stay home, get vaccinated, at ingatan po ang sarili para sa pamilya, para sa pag-unlad, at para sa bansa."

Samantala, on-going ang online auditions para sa ikaapat na season ng The Clash.

Sa mga nais mag-audition, i-send ang inyong audition piece sa link na ito at sagutan ang required fields.

Maaari ding i-scan ang QR code sa ibaba na magdi-direct sa iyo sa The Clash 2021 auditions Google form.

The Clash 2021 auditions qr code

Ipapalabas ang bagong season ng The Clash sa Setyembre.