GMA Logo The Clash 3 grand finals trending
'The Clash 3' grand finals trends online
What's on TV

'The Clash' Season 3 grand finals, patok online

By Jansen Ramos
Published December 21, 2020 12:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

The Clash 3 grand finals trending


Bukod sa telebisyon, napanood ang 'The Clash' Season 3 finale sa YouTube, Facebook, Twitter, at TikTok via livestreaming.

Patok online ang grand finals ng The Clash Season 3 kung saan ang Power Cebuana Diva na si Jessica Villarubin ang itinanghal na panalo.

Dama ang tensyon ng bawat manonood dahil, bukod sa TV, sinubaybayan din ang grand finals ng all-original Filipino singing competition sa YouTube, Facebook, Twitter, at TikTok via livestreaming.

Top trending topic din sa Twitter ang huling episode ng The Clash na may official hashtag na #TheFinalClash2020.

The Clash Final Clash 2020

Bumuhos naman sa microblogging site ang pagbati sa bagong hirang na The Clash winner na si Jessica. Ani ng netizens, deserving ang pagkapanalo ng 24-year-old Cebuana.

Si Jessica ang ikalawang Cebuanang nanalo sa The Clash sumunod kay Golden Cañedo kaya naman very proud ang kanilang mga kababayan sa kanilang achievement.

Gaya sa video na ito na maririnig ang malakas na hiyawan ng isang pamilya matapos i-anunusyo ng Clash Master na si Julie Anne San Jose ang The Clash Season 3 grand champion.

Ika ng video uploader na si heyzel, "We, Cebuanos, are so proud of you, Ate @jessy_1496. This was too much to us. Thank you for representing [Cebu] huhu. We're so happy. Ahhhhh, look at those reactions! We almost cried huhuhu even our dog was shocked hahaha."

Bilang grand champion, makakatanggap si Jessica ng papremyong may kabuuang halagang apat na milyong piso. Kabilang diyan ang exclusive management contract sa GMA-7, brand new car, P1M in cash, at house and lot mula sa Lessandra.

Si Jessica ang ikatlong The Clash grand champion kasunod nina Golden at Jeremiah Tiangco.

Samantala, may espesyal na handog ang all-original Filipino singing competition ngayong Kapuskahan--ang The Clash Christmas Special: Pasko Para Sa Lahat.

Tampok sa TV special ang Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, at Journey Hosts na sina Ken Chan at Rita Daniela, The Clash judges na sina Aiai Delas Alas, Christian Bautista, at Pops Fernandez. Kasama rin ang mga dating kalahok ng programa gaya nina Golden at Jeremiah, at siyempre ang bagong grand champion na si Jessica.

Tampok din dito ang The Clash judge na si Lani Misalucha na muling mapapanood sa telebisyon.

Sa unang pagkakataon, ilalahad ng Asia's Nightingale ang kondisyon ng kanyang kalusugan matapos ang kanyang two-month absence sa programa.

Bukod kina Golden, Jeremiah, at Jessica, may appearance din ang The Clash graduates na sina Anthony Rosaldo, Nef Medina, at XOXO na binubuo nina Lyra, Riel, Mel, and Dani.

Mapapanood ang The Clash Christmas Special: Pasko Para Sa Lahat sa December 25, pagkatapos ng 24 Oras at bago ang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) finale.