GMA Logo the clash new normal taping
What's on TV

'The Clash,' sumasailalim sa health and safety protocols

By Jansen Ramos
Published September 22, 2020 5:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Parol made of dried fish spurs the 'wows' in Estancia, Iloilo
PCO press briefing (Dec. 12, 2025) | GMA Integrated New
Heart Evangelista and Kasuso Foundation team up in breast cancer awareness event

Article Inside Page


Showbiz News

the clash new normal taping


"It's good to be back," sabi ni Ken Chan sa pagbabalik niya bilang journey host ng all-original Filipino singing competition na 'The Clash.'

Maraming pagbabago sa new season ng The Clash at isa riyan ang sistema ng produksyon off-cam.

Dahil sa banta ng COVID-19, kinailangan ng mga staff at buong crew ng GMA singing compeititon na sumunod sa safety prevention protocols para sa 'new normal' taping.

Sa Facebook post ng The Clash ngayong araw, September 22, makikita ang mga larawang kuha mula sa final call back screening noong September 16.

Base sa post, balot ang katawan ng mga cameraman ng PPE o personal protective equipment habang naka-face mask at face shield.

Isa rin sa mga pag-iingat na ginagawa ng staff ng programa ay ang pagdi-disinfect ng mga mikroponong ginagamit ng mga contestant.

Indeed, nothing can stop the biggest singing battle of the year! Handang-handa na ang buong cast at crew ng #TheClash...

Posted by The Clash on Monday, September 21, 2020

Samantala, naghahanda na rin ang cast ng The Clash para sa una nilang taping.

Sa Instagram post ng journey host na si Ken Chan, sinabi niyang na-miss niyang magbalk-studio matapos ang ilang buwan.

Ang pelikulang My First and Always, kung saan katambal niya ang kanyang The Clash co-journey host na si Rita Daniela, ang unang proyekto ni Ken simula noong nagsimula ang lockdown.

Photo from Ken Chan's Instagram account

Ika pa ng Kapuso actor, "It's good to be back."

Nakatakdang ipalabas ang third season ng The Clash sa Oktubre.