
Pasok sa trending list ng TikTok Philippines ang The Clash Season 4! Umabot ng 82.1M views ang mga videos ng The Clash sa TikTok.
Kasalukuyan namang nasa 116.5 million views ang The Clash TikTok videos.
Ngayong Sabado, patuloy ang Pares Kontra Pares: Round Three ng The Clash. Dalawa pang pares ang maghaharap at magpapakitang gilas sa isang face-off.
Maghaharap naman ang mga matitirang dalawang pares sa Linggo para sa Pares Kontra Pares. Ang matatalong pares ay may face-off sa Matira ang Matibay, kung saan maglalabanan ang dalawa at matitira ang isa para sa Top of the Clash.
Huwag palampasin ang The Clash, tuwing Sabado, 7:15 pm at Linggo, 7:40 pm sa GMA Network.
Kilalanin ang The Clash Season 4 Top 30: