GMA Logo The Clash TV ratings
What's on TV

'The Clash,' wagi sa nationwide TV ratings

By Jansen Ramos
Published November 18, 2019 7:58 PM PHT
Updated December 23, 2019 2:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Flights cancelled, roads flooded as rare storm soaks UAE
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

The Clash TV ratings


Umaarangkada sa nationwide urban ratings ang GMA singing competition na 'The Clash' ayon sa pinagkakatiwalaang AGB Nielsen.

Umaarangkada sa nationwide urban ratings ang GMA singing competition na The Clash, ayon sa pinagkakatiwalaang AGB Nielsen.

Base sa NUTAM People Ratings ng market research firm, tie sa rating na 9.6% ang The Clash at ang direct competitor nitong Home Sweetie Home: Extra Sweet noong Sabado, November 16.

Samantala, lamang naman ng 1.0 point ang rating ng The Clash sa katapat na programa nitong Your Moment noong Linggo, November 17. Nakakuha ng 10.8% rating ang Kapuso singing talent show, samantalang 9.8% naman ang rating ng kalabang programa.

Patuloy na subaybayan ang mas pinatindi pang bakbakan sa kantahan sa The Clash, tuwing Sabado, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, at tuwing Linggo, pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.