
Ilang araw na lang bago umere ng inaabangang GMA Primetime na The Cure na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez.
Mapapanood sa The Cure ang istorya ng pamilya na maiipit sa matinding epidemya na nagmula sa gamot na inaakalang lunas sa cancer.
Sino kaya ang pasimuno ng paglaganap ng epidemya?
Nag-post ang Kapuso actor na si Jay Manalo ng pasilip sa kaniyang karakter sa The Cure bilang Fernan, ang Head of Security ng isang pharmaceutical company sa palabas. Siya kaya ang isa sa maging sanhi ng pagkalat ng epidemya?
Abangan ang The Cure, lalaganap na ngayong April 30, pagkatapos ng 24 Oras.