GMA Logo The Deadly Affair on GMA
What's Hot

The Deadly Affair: Ang pagkumbinsi ni Ceejay kay Tom (Weekly Recap)

By Faye Almazan
Published November 26, 2023 6:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinas in Kyiv choose their families and the lives they’ve built amid the war
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

The Deadly Affair on GMA


Sa ikatlong linggo ng 'The Deadly Affair' ay pilit na kinukumbinsi ni Ceejay si Tom na lumipat sa kanilang kumpanya.

Tinanggihan ni Tom ang alok ni Jee na magtrabaho siya sa JS Group. Ayon sa kaniya ay ayaw niyang makatrabaho ang taong may galit sa kaniya at ayaw rin niyang mailang si Ceejay sa kaniya sa loob ng kompanya.

Muling nagkaroon nang matinding sagutan sa pagitan nina Sancho at Ceejay matapos pakialaman ng kaniyang ama ang isang proyektong pinaghirapan nila. Inakusahan pa ni Ceejay si Sancho na pinagtaksilan siya nito para sa sarili nitong kagustuhan.

Samantala, si Tom ang chief engineer ng shopping mall project na pinamumunuan ni Ceejay. Plastikan ang naging eksena nilang dalawa nang ipakilala sila sa isa't isa sa isang meeting.

Ipinakilala na rin ni Sancho si Mina bilang bagong parte ng JS Group na di nagustuhan ni Ceejay. Nagkaroon ng tapatan ang dalawang dalaga sa loob ng opisina.

Pinagbantaan ni Ceejay si Mina na huwag siya nitong pakialaman at huwag magmadaling umangat agad ang posisyon sa kanilang kompanya.

Si Jee ay may happy crush kay Tom matapos siya nitong iligtas sa kapahamakan. Hindi naman mapalagay si Ceejay dahil ayaw niyang patuloy na nakikipagkita ang kapatid sa binata.

Dahil dito ay nag-offer si Ceejay na magtrabaho na lang si Tom sa JS Group. Ngunit ayaw tanggapin ng binata ang kahit anong i-offer ni Ceejay sa kaniya.

Hindi titigil si Ceejay hangga't hindi niya napapapayag si Tom at sinubukan itong mapalipat sa pamamagitan ng pagkausap sa boss ni Tom.

Mapapalipat kaya ni Ceejay si Tom sa JS Group? Abangan sa The Deadly Affair, Lunes hanggang Biyernes, 5:10 p.m. sa GMA.