
Sa linggong ito ng The Deadly Affair ay nagpa-prenup shoot sina Sancho at Mina sa resort ng mommy nila Ceejay at inimbitahan rin nila si Tom para sa okasyon.
Hindi ikinaila ni Sancho nang sabihin sa kanya ni Ceejay na kaya lamang siya nag-organisa ng photoshoot ay para ipakita kay Tom na hindi siya nito matatalo at sa kanya na si Mina.
Puno naman ng emosyon ang gabi sa resort noong araw ng photoshoot. Una ay dahil ipinagtapat na ni Jun ang tunay niyang nararamdaman kay Ceejay.
Inamin niyang matagal na niya itong mahal at sinabing maghihintay lamang ito sa tabi ng dalaga kahit gaano pa katagal.
Emosyonal rin si Ceejay dahil kay Tom. Kahit labag sa kanyang loob ay ipinagtulakan niyang muli si Tom kay Mina at sinabing balikan na niya ang dalaga para maalis na sa buhay nila ito.
Kalaunan ay nakita ni Tom si Ceejay na nagmumukmok at umiiyak mag-isa kaya nilapitan niya ito upang kumprontahin.
Samantala, humingi ng oras si Mina kay Tom para maayos niya ang lahat at sinabing may pagkakataon pa rin silang maging isang pamilya.
Pinuntahan ni Tom si Mina upang makasiguro kung kaya niyang itago ang tunay nitong nararamdaman. Ipinangako ni Mina na isasama niya si Mark kinabukasan para makapag-bonding silang tatlo.
Ngunit, umasa lamang sa wala si Tom dahil natuloy na ang kasal nina Sancho at Mina habang siya ay naiwang nag-aantay sa restaurant.
Sa pagtatapos ng seremonya ay dumating si Erwin bitbit ang bouquet na regalo ni Tom para kina Mina at Sancho. Ipinarating rin ni Erwin ang pagbati ni Tom sa bagong kasal.
Panoorin ang The Deadly Affair, Lunes hanggang Biyernes, 5:10 p.m. sa GMA.