
Naalala ni Tom ang dating kasintahan na si Jinki nang may nakasalubong silang bata na nagbebenta ng bulaklak.
Bumili si Tom ng isang bulaklak mula rito at binigay kay Mina na siyang natunghayan ni Ceejay na lihim na sinundan sina Tom at Mina.
Samantala, pinakita ni Ceejay sa kanyang ama ang mga litrato nila Tom at Mina na magkalapit sa isang coffee shop. Pinagbintangan niya na may namamagitan sa mga ito at nagtanim ng pagdududa sa isip ng ama.
Ipinagtapat na ni Mina kay Tom ang katotohanan sa kanyang pagkatao at ikinwento rin niya kay Tom ang mga paghihirap na dinanas niya noon bilang Jinki habang nasa kulungan pa ang binata.
Nasaksihan nila Ceejay at Sancho ang naging pag-uusap nila Tom at Mina. Maging ang pagyakap na ginawa ni Mina kay Tom ay nakita ng mag-ama.
Sa kabila nito ay may tiwala pa rin si Sancho na siya ang pipiliin ni Mina at matutuloy pa rin ang kasal nilang dalawa.
Nagkaroon rin ng intense na tapatan sina Ceejay at Tom. Galit na galit ang dalaga dahil nagsinungaling si Tom sa kanya tungkol kay Mina.
Dito ay tinanong ni Tom si Ceejay kung mahal na ba siya ng dalaga kaya galit na galit ito sa nalaman.
Abangan ang mas kapanapanabik pang mga eksena sa The Deadly Affair, Lunes hanggang Biyernes, 5:10 p.m. sa GMA.