
Muling nagkrus ang mga landas nina Ceejay at Tom nang aksidenteng mabangga ng sinasakyang kotse ni Ceejay si Tom.
Isusugod na sana ni Ceejay si Tom sa ospital ngunit ito ay naudlot nang makilala niya kung sino ang binata.
Iniligtas naman ni Tom si Ceejay sa muntik nang pagkakahulog nito sa bangin matapos madulas ang dalaga habang sila ay umaakyat ng bundok.
Samantala, hindi na agad maganda ang kutob ni Ceejay kay Mina sa unang pagpapakilala pa lamang ni Sancho dito. Tinanong pa ni Ceejay sa ama kung siya ba ang bagong girlfriend nito.
Labis na ikinagalit ni Sancho ang pagka-late ni Ceejay sa importanteng meeting dahil inuna ng dalaga na dalhin si Tom sa isla upang parusahan.
Pinagbantaan pa ng ama ang kanyang anak na umalis na lang ng kumpanya kung hindi nito kayang gampanan ang kanyang mga tungkulin
Nagsimula na rin ang pagpapahirap ni Ceejay kay Tom. Naging dahilan ng pagkakareject sa trabaho ni Tom si Ceejay matapos nitong harangin ang kanyang application.
Nananatili talagang matigas ang puso ng dalaga para kay Tom dahil agad niyang hinusgahan ang binata. Pinaghinalaan agad niyang si Tom ang nanakit sa kanyang kapatid kahit siya naman ang nagligtas kay Jee mula sa mga humahabol dito.
Hanggang kailan magiging masama ang pakikitungo ni Ceejay kay Tom? Abangan sa The Deadly Affair, Lunes hanggang Biyernes, 5:10 p.m. sa GMA.