Article Inside Page
Showbiz News
Ngayong Hunyo, magbabalik-telebisyon ang multi-awarded actress na si Maricel Soriano sa inaabangang primetime series dito sa Kapuso Network, 'Ang Dalawang Mrs. Real'.

Ngayong Hunyo, magbabalik telebisyon ang multi-awarded actress na si Maricel Soriano sa inaabangang primetime series dito sa Kapuso Network,
Ang Dalawang Mrs. Real.
Sa panayam ng
24 Oras sa aktres noong May 15 nagkuwento si Maricel na sobrang saya ng atmosphere during taping ng kanilang teleserye, “Alam mo natuwa ako sa sinabi mo kasi totoong masaya, parang ang nangyari alam mo naging compulsory 'yan sa set namin. Kailangan masaya kami lahat kahit drama ang ginagawa,” sagot ng Diamond Star.
“Masaya kami in spite of you know, minsan pawis na pawis, pagod at saka puyat.”
Makakasama ni Maricel sa
Ang Dalawang Mrs. Real ang mga Kapuso royalty na sina Dingdong Dantes at Lovi Poe. Kabilang din sa cast ang mga top caliber actors tulad nila Ms. Coney Reyes, Jaime Fabregas, Tommy Abuel, Robert Arevalo at Ms. Celeste Legaspi.
Wala ngang itulak kabigin itong si Maricel sa mga cast members na mga respetado at beterano na sa industriya, saad ni Maricel “ang saya namin sa set, at saka may respeto kasi ang bawat isa sa amin doon sa aming ginagawa at sa pagiging mga artista… may respeto kami talaga sa isa’t-isa 'yung ganun,”.
Pag-amin ni Maricel, malayong-malayo sa pagkatao niya ang karakter niyang si Millete. “I was telling them na hindi nga puwede na kung minsan ang natatanggap naming role, ang layo-layo sa personality mo, 'yung role na ibibigay sa 'yo.”
“Eto talaga hindi! Hinding-hindi ako ganun, 'di ba? So, kailangan kinakausap ko 'yung sarili ko minsan na, 'Maria hindi ikaw si Millete.'”
Dagdag pa nito, “kailangan 'yung word na acceptance dito, respetuhan na lang tayo. Kasi ang hirap talaga, naglalaban 'yung kalooban ko, pero ang sagot niya sa akin, ibang klase kang magmahal, puwes resputhin mo, ibang klase din ako magmahal dito. Tanggapin natin 'yun para makamove-on ako dun sa gagawin kong attack sa pagiging si Millete,”.
Excited na si Maricel mapanood ng televiewers
Ang Dalawang Mrs. Real dahil gusto niyang malaman ang reaksyon ng mga manunuod sa ihahain nilang dekalibreng programa na tutukan ng mga loyal Kapuso natin sa buong Pilipinas gabi-gabi, “Bonggang-bongga ito, babaliktiran ko nga ang tanong dito, kasi they usually ask us kung ano daw ang macocontribute ng aming show sa mga manunuod 'di ba?”
“Ang gusto ko itanong, kayo po ang magpapadala sa amin ng mga sagot ninyo, kung ano ang naitulong ng aming show sa buhay niyo? Kung sino kayo dito sa show namin? Yun ang gusto kong malaman, excited ako sa isasagot nila,” saad ni Maricel.
For more news about Maricel Soriano and other Kapuso stars please log on to
www.gmanetwork.com.
--Text by Aedrianne Acar, Photo by Elisa Aquino