
Magiging spooky ang Friday the 13th kasama ang digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.
Mapapanood dito ang horror film na The Diplomat Hotel na pinagbidahan ni Gretchen Barretto.
Iikot ang kuwento nito sa isang TV reporter na sinisikap na pasiglahin muli ang kanyang lumamlam na career sa pamamagitan ng paggawa ng documentary tungkol sa Diplomat Hotel sa Baguio.
Kasama ang kanyang crew, magpapalipas sila ng gabi sa hotel na kilala bilang isa sa mga tinaguriang "most haunted" na lugar sa Pilipinas.
Abangan ang The Diplomat Hotel sa December 13, na natapat sa araw ng Biyernes, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Good vibes naman ang hatid ng 2010 comedy film na D'Survivors mula sa award-winning director na si Adolf Alix Jr.
Tampok dito ang isang grupo ng mga modelo na magiging stranded sa isang liblib na isla. Paano sila makaka-survive dito?
Abangan 'yan sa D'Survivors, December 10, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.