GMA Logo Jenny Miller and Beauty Gonzalez in The Fake Life
What's on TV

The Fake Life: Cindy, nagseselos kay Margaux | Week 8

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 1, 2022 2:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Jenny Miller and Beauty Gonzalez in The Fake Life


Balikan ang nangyari sa ikapitong linggo ng GMA Afternoon Series na 'The Fake Life' rito.

Sa ikapitong linggo ng GMA Afternoon Prime series na The Fake Life, tila ay nakakaganti na kay Cindy (Beauty Gonzalez) si Onats (Ariel Rivera) para sa mga kasalanan na nagawa nito noon.

Nagkasundo naman na sina Cindy at Onats kung paano nila palalakihin ang kanilang mga anak na sina Jaycie (Shanelle Agustin) at Jonjon (Carlos Dala) ngayong magkahiwalay na sila ng tinitirahang bahay.

Sa tingin ni Onats ay nagkikita pa rin si Cindy at ang kanyang ex-boyfriend na si Mark (Sid Lucero) kaya naman mas nagiging malapit ang kanyang loob sa doctor niya at childhood friend niyang si Margaux (Jenny Miller).

Dahil dito, nagseselos na tuloy ni Cindy kay Margaux.

Umabot na sa punto ng nagkita sa isang event sina Onats at Cindy, kung saan magkaiba ang kanilang mga kasama. Si Onats ay kasama si Margaux samantalang si Mark naman ang kasama ni Cindy.

Nakikita ni Mark na natutulungan siya ni Margaux na paghiwalayin sina Onats at Cindy kaya namang nag-offer ito sa kanya.

Tanggapin kaya ni Margaux ang offer ni Mark upang tuluyan nang magkahiwalay sina Cindy at Onats?

Panoorin ang The Fake Life, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Return to Paradise.

SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA KARAKTER NG THE FAKE LIFE RITO: