
Patuloy na pumapalo sa ratings ang GMA Afternoon Prime series na The Fake Life na pinagbibidahan nina Ariel Rivera, Beauty Gonzalez, at Sid Lucero.
Noong nakaraang linggo, nakakuha ang The Fake Life ng mahigit 7 percent ratings ayon sa National Urban Philippines People Ratings ng Nielsen Philippines.
Higit na mas mataas ito kumpara sa mga katapat nitong programa sa ibang channel. Sa katunayan, pumalo sa 8.1 percent ang ratings ng The Fake Life noong Biyernes, September 16.
Kaabang-abang kasi ang istorya ng The Fake Life dahil patuloy pa rin ang pag-aagawan nina Onats (Ariel) at Mark (Sid Lucero) kina Jaycie (Shanelle Agustin) at Jonjon (Carlos Dala).
Ano kaya ang mangyayari sa pag-aagawan nina Onats at Mark? Kanino mapupunta sina Jaycie at Jonjon?
Abangan ang huling linggo ng The Fake Life, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Return To Paradise.
SAMANTALA, ALAM N'YO BANG HINDI LANG SA THE FAKE LIFE MAPAGMAHAL NA AMA SI ONATS? TINGNAN ANG KANYANG PERSONAL NA BUHAY SA MGA LARAWANG ITO: