GMA Logo The Fake Life
What's on TV

'The Fake Life,' record breaking ang finale episode

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 27, 2022 1:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Melvin Matibag named as new NBI director
PCG terminates search, retrieval ops for missing Amejara passengers
Zeinab Harake pens sweet birthday message for husband Bobby Ray Parks Jr.

Article Inside Page


Showbiz News

The Fake Life


Maraming salamat, mga Kapuso!

Talagang tinutukan ng mga manonood kung ano ang mangyayari sa pagmamahalan nina Onats (Ariel Rivera) at Cindy (Beauty Gonzalez) sa finale episode ng GMA Afternoon Prime series na The Fake Life.

Ayon sa National Urban Philippines People Ratings ng Nielsen Philippines, nakapagtala ang finale episode ng The Fake Life ng 9.1%, higit na mas mataas kumpara sa mga katapat nitong programa.

Sa huling episode ng The Fake Life, napatawad na nina Onats at Cindy ang isa't isa at muling nagpakasal upang pagtibayin ang pagmamahal nila. Napatawad na rin ni Onats si Peter (Will Ashley) sa mga nagawa nitong pagkakamali noon.

Isang panibagong family-drama naman ang mapapanood sa GMA Afternoon Prime, ang Nakarehas Na Puso na pinagbibidahan nina Jean Garcia, Michelle Aldana, at Leandro Baldemor tuwing 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Kilalanin ang mga bagong karakter na magpapaiyak sa inyong mga hapon dito: