
Parami nang parami ang nanonood sa GMA Afternoon Prime series na The Fake Life lalo na noong pinigilan ni Peter (Will Ashley) sina Jaycie (Shanelle Agustin) at Jonjon (Carlos Dala) na umalis papuntang ibang bansa.
Sa September 20 episode ng The Fake Life, hinabol ni Peter ang magkapatid na sina Jaycie at Jonjon upang ipaalam sa kanila na malala na ang kondisyon ni Onats (Ariel Rivera).
Wala kasing alam sina Jaycie at Jonjon, pati na rin ang kanilang inang si Cindy (Beauty Gonzalez), sa tunay na kondisyon ni Onats.
Ang nakakaalam lang nito ay ang tunay nilang amang si Mark (Sid Lucero) na nagmamadaling makaalis ng bansa upang mailayo na ang pamilya niya kay Onats.
Talagang inabangan ng mga manonood kung mahahabol ba ni Peter sina Jaycie at Jonjon kaya naman pumalo sa 8.5 percent ang ratings nito, ayon sa National Urban Philippines People Ratings ng Nielsen Philippines.
Ngayong alam na nina Jaycie at Jonjon ang tunay na kalagayan ni Onats, maaabutan pa kaya nila itong buhay?
Patuloy na panoorin ang huling dalawang araw ng The Fake Life, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Return To Paradise.