GMA Logo The Frog Prince
What's on TV

The Frog Prince: Hidden feelings

By EJ Chua
Published February 11, 2022 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBB Collab 2.0: Princess Aaliyah sets boundaries with Fred Moser, says it's 'not gonna happen inside'
First look at Becky Armstrong in 'Girl from Nowhere: The Reset'
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills

Article Inside Page


Showbiz News

The Frog Prince


Nami-miss nga ba nina Pat at Alvin ang isa't isa? Alamin sa 'The Frog Prince.'

Sa nakakikilig na mga eksena sa The Frog Prince, hindi na matakasan nina Alvin at Pat ang katotohanan tungkol sa nararamdaman nila para sa isa't isa.

Mula nang makabalik na si Pat sa homestay, madalas na sumasagi sa kanyang isipan ang kanyang dating boss na si Alvin.

Isang araw, habang nagpapalipas ng oras sa resort, nagtungo si Pat sa love bridge at inalala niya ang mga panahong kasama niya pa si Alvin bilang si Ivan.

Noong panandaliang nawala ang memorya ni Alvin nang dahil sa isang aksidente, madalas na pumupunta sina Alvin at Pat sa hanging bridge na ito kung saan ipinapalabas ang mga show nila tungkol sa mga palaka.

Habang nagmumuni si Pat, nakita siya ni Hazel at nagpadala ito ng larawan ni Pat kay Alvin.

Nang matanggap naman ito ni Alvin, nahalata ng kanyang katiwala na nami-miss ng kanyang amo ang dati nitong yaya at assistant.

Pat and Alvin miss each other

Tama nga ba ang hinala nina Hazel at ng katiwala ni Alvin tungkol sa kanilang itinatagong nararamdaman para sa isa't isa?

Isasantabi na lamang ba nina Pat at Alvin ang tinitibok ng kanilang mga puso?

Isa kaya sa kanila ang umaasa pa sa second chance ng kanilang love story?

Alamin ang kasagutan sa mga susunod na episode ng The Frog Prince, Lunes hanggang Biyernes, 2:45 p.m. sa GTV.

Panoorin ang The Frog Prince at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

Samantala, kilalanin ang iba pang Thai actors na napanood na sa Heart of Asia sa gallery na ito: