GMA Logo The Frog Prince
What's on TV

'The Frog Prince,' malapit nang mapanood sa GTV

By EJ Chua
Published November 23, 2021 5:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Davao City Coastal Road Segment B nga lakip ang Davao River Bucana Bridge, abli na | One Mindanao
PBB Collab 2.0: Housemates take on caroling challenge for 8th weekly task
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

The Frog Prince


Abangan ang romantic Thai series na 'The Frog Prince' sa GTV!

Isang bagong drama series na naman ang malapit nang magpakilig sa mga manonood.

Ito ang The Frog Prince, ang romantic Thai series na pinagbibidahan ng mahuhusay na Thai stars na sina Vill Wannarot Sonthichai at Son Yuke Songpaisan.

Iikot ang istorya nito sa estado ng pamumuhay, puso, at pangarap ng ilang indibidwal.

Abangan si Vill Wannarot Sonthichai bilang si Pat, ang matalinong babae na mag-iimbento ng kuwento tungkol sa palaka upang mailigtas ang kanilang resort business na pangunahing ikinabubuhay ng mga naninirahan sa Chuen Chiva.

Makikilala rin dito si Son Yuke Songpaisan bilang si Alvin, ang mayamang lalaki na walang pakialam sa pakiramdam ng mga taong masasagasaan ng kanyang business goals.

Makakasama rin nila ang iba pang Thai actors na sina Kade Tharakade Petchsuksai, Fern Kamonchanok, Pai Pathit Pisitkul, Looktarn Thipparat Amattayakul, at marami pang iba.

Ano kaya ang mangyayari kung magsimula sa maling paniniwala at paraan ang kuwentong pag-ibig ninyo?

Paano kung isang araw ay magsimulang mahulog ang iyong puso sa taong itinatago ang katotohanan tungkol sa pagkatao mo? Mas pipiliin mo bang pakinggan ang iyong puso kaysa sa mga kasinungalingan?

Ihanda na ang inyong puso at emosyon sa magkahalong kuwento ng pagkukunwari at pag-iibigan nina Pat at Alvin.

Abangan ang The Frog Prince, malapit na sa GTV.

Samantala, kilalanin ang iba pang Thai actors na napanood na sa Heart of Asia sa gallery na ito: