GMA Logo The Frog Prince
What's on TV

The Frog Prince: Pat is in denial!

By EJ Chua
Published December 21, 2021 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Firework-related injuries at 57; majority of victims aged 19 and below —DOH
Macacua seeks special session to pass Bangsamoro districting law
Marian Rivera's family is in designer outfits for their Christmas photoshoot

Article Inside Page


Showbiz News

The Frog Prince


Ano ang nararamdaman ni Pat para kay Alvin? Alamin sa 'The Frog Prince.'

Sa ikalimang episode ng The Frog Prince, tila magbabago ang pakikitungo ni Pat kay Alvin.

Mula nang maaksidente, nanatili na si Alvin sa Chuen Chiva.

At dahil kasalukuyan pa ring may amnesia, ipinagpapatuloy lang niya ang nadatnan niyang buhay roon.

Sa pagdaan ng panahon, kapansin-pansin na mula nang mawala ang kanyang memorya, nag-iba rin ang ugali ni Alvin.

Mula sa pagiging mayabang at walang inaatrasan, ngayon ay isa siyang simpleng mamamayan sa resort nina Pat.

Kung noon ay puno siya ng galit at pagkairita kay Alvin, ngayon ay mukhang nagiging magaan na ang loob niya rito.

Isang araw, habang ginagamot ni Pat ang sugat ni Alvin mula sa pagkakapaso, tila nag-korteng puso ang mga mata ni Pat habang nakatitig sa CEO.

Namula ang mga pisngi ni Pat na agad napansin ni Alvin.

Habang ipinagpapatuloy ang kanyang ginagawa, halatang kinikilig si Pat habang nakatingin kay Alvin.

Ano itong nararamdaman ni Pat para kay Alvin?

Nagkakagusto na ba siya sa dati niyang kaaway?

Alamin ang kasagutan sa mga susunod na eksena sa The Frog Prince, Lunes hanggang Biyernes, 2:45 pm sa GTV.

Panoorin ang The Frog Prince at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Samantala, kilalanin ang iba pang Thai actors na napanood na sa Heart of Asia sa gallery na ito: