GMA Logo The Frog Prince
What's on TV

The Frog Prince: Pat's multitasking skills

By EJ Chua
Published January 14, 2022 2:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBB Collab 2.0: Princess Aaliyah sets boundaries with Fred Moser, says it's 'not gonna happen inside'
First look at Becky Armstrong in 'Girl from Nowhere: The Reset'
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills

Article Inside Page


Showbiz News

The Frog Prince


Anu-ano kaya ang task ni Pat bilang katulong sa mansyon ni Alvin? Alamin sa 'The Frog Prince.'

Sa pagpapatuloy ng The Frog Prince, lubos na naninibago ang resort owner na si Pat sa kanyang bagong buhay.

Nagsimula na kasi ang kanyang trabaho bilang katulong sa mansyon ng CEO na si Alvin.

Noong una, akala ni Pat ay madali lang ang mga ibibigay na trabaho sa kanya dahil mayroon pang ibang katulong sa napakalaking bahay ni Alvin.

Kaya naman nabigla siya nang malaman na ang gusto pala ni Alvin ay pahirapan si Pat bilang kapalit sa mga nagawa nito sa kanya.

Mula sa paglalaba, paghuhugas ng mga pinagkainan, pamamalantsa, pagwawalis sa lahat ng sulok ng mansyon, paglilinis sa sala at hagdanan, paglalampaso ng sahig, at pati na rin ang pagkakabit ng ilaw ay si Pat na ang gumagawa.

Kahit na sobrang napapagod at nahihirapan sa kanyang trabaho sa mansyon, tila gusto pa rin ni Pat na mapatunayan kay Alvin na kaya niyang gawin ang lahat ng bagay.

An all-around maid is here!

Hanggang kailan kaya pahihirapan ni Alvin si Pat?

Kaya pa kayang tiisin ni Pat ang pagmamalupit ng mayabang na CEO?

Alamin ang kapana-panabik na eksena sa mga susunod na episode ng The Frog Prince, Lunes hanggang Biyernes, 2:45 pm sa GTV.

Panoorin ang The Frog Prince at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

Samantala, kilalanin ang iba pang Thai actors na napanood na sa Heart of Asia sa gallery na ito: