GMA Logo Time The Gifted Graduation
What's Hot

The Gifted Graduation: Bagong school year, bagong classmates | Week 1

By Beatrice Pinlac
Published January 4, 2022 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Livestream: December 27, 2025
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Time The Gifted Graduation


Back to school na ang The Gifted Class!

Kasabay ng pagpasok ng bagong school year, nakilala na rin sa wakas ang bagong henerasyon ng gifted students na si Time, Grace at Third. Pero sila ba ay kakampi o kalaban?

Sa unang linggo ng The Gifted: Graduation, nakasagutan ni Time si Third matapos niyang malaman na matagal nang nabuwag ang Gifted Program. Bagamat siya ay nagulat sa balita, hindi siya nagpatinag at agad niyang sinimulan ang kampanya para muling maibalik ang programa.

Sa tulong ni Grace, na-hack nila ang computer ng school para makahakot ng mas madami pang kasapi sa kanilang petisyon. Dininig naman ang kanilang hiling at ibinalita ni Ms. Darin, ang bagong Head of Academic Affairs, na muli nilang ilulunsad ang Gifted Program.

Pero ano kaya ang tunay na dahilan sa likod ng desisyong ito?

Nag-krus na rin ang landas ni Time at ang tropa ng gifted students kaya nang aksidente niyang matuklasan ang kaniyang kakaibang abilidad, inalok nilang gabayan siya sa proseso ng pagkilala at paghasa nito.

Sa kabila ng kaniyang pag-aalinlangan, tinanggap pa rin ni Time ang kanilang tulong lalo na dahil palapit na ng palapit ang araw ng Placement Exam - ang pagsusuring magpapasiya kung nararapat ba siyang makabilang sa Gifted Class.

Buhat ang layunin na madungisan ang pangalan ng Gifted Class, muling umatake at nagdala ng kapahamakan ang anti-gifted students na tutol sa pagbabalik ng programa. Matapos silang harapin at hulihin nila Jack, tuluyan nang napatunayan kay Time na bukal at totoo ang intensyon ng gifted students para sa paaralan. “Kung hindi makasasama ang mga pangarap mo sa mga pangarap ng iba, wala akong dahilan para kontrahin ito,” pahayag ni Time kay Jack.

Kasama ang kaniyang mga bagong kaibigan, full force na si Time sa pagsasanay ng kaniyang mga kakayahan. Ngunit sa pagdating ng isang malaking hadlang sa kanilang mga plano, biglang mapupunta sa kaniyang kamay ang kapalaran ng misyon. Mapagtagumpayan kaya nila ito sa tulong ni Time o muli na naman kaya silang mabibigo?

Abangan ang mga susunod na kabanata sa buhay ng pinakaastig na barkada sa The Gifted: Graduation, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am dito lamang sa GMA.

Samantala, mas kilalanin pa ang bagong henerasyon ng gifted students sa gallery na ito.