
Sa ikalimang linggo ng The Herbal Master, tinulungan ni Tonio (Mario Maurer) ang kanyang lolo na si Master Thong In matapos nitong malason dahil sa pagkain. Ang panlalason na ito ay plano ng ina ni Pearl (Namwhan Phulita Supinchompoo) para kay Tonio.
Sa kasaamang palad, binawian ng buhay si Master Thong In na labis na ikinalungkot ni Tonio. Dahil dito, kinausap ni Chaba (Kimberley Anne Woltemas) si Tonio upang palakasin ang loob nito matapos ang pagkamatay ng kanyang lolo.
Isang prinsipe naman ang pumunta sa lugar ni Tonio upang humingi ng tulong dahil may sakit ang ina nito. Napag-alaman ni Tonio na black fever ang sakit ng nanay ng prinsipe at naging matagumpay ang panggagamot ng una.
Bilang pasasalamat sa pagligtas sa kanyang buhay, binigyan ng prinsesa si Tonio ng isang kahon na naglalaman ng mga halamang gamot.
Masayang-masaya naman si Chaba nang muling makita si Tonio. Sa pag-uusap ng dalawa, inamin ni Chaba na nag-alala siya para kay Tonio nang bigla itong mawala.
Balikan ang mga eksena sa The Herbal Master dito.
The Herbal Master: Patay na ang matandang herbalista
The Herbal Master: Chaba, tutol ang kanyang ama sa kanyang pagiging herbalista
The Herbal Master: Sino ang misteryosong lalaking humihingi ng tulong kay Tonio?
The Herbal Master: Gumaling na ang prinsesa!
The Herbal Master: Multo na ba si Tonio?
Patuloy na subaybayan ang The Herbal Master tuwing Lunes hanggang Biyernes sa oras na 11:30 a.m. sa GMA bago ang Eat Bulaga.