
Sa ika-pitong linggo ng The Herbal Master, minabuti ni Tonio (Mario Maurer) na pumasok sa kuwarto ni Chaba (Kimberley Anne Woltemas) ngunit biglang dumating ang ama ng huli na si Baron Manuel.
Nahuli naman ng ama ni Chaba na nagpunta si Tonio sa kaniyang anak. Dahil dito, nabugbog ang herbalista at pinaghiwalay pa sila ni Chaba.
Sa kabila nito, natuloy pa rin ang pag-iisang dibdib nina Tonio at Chaba.
Hindi naman magawa ng dalawa ang kanilang tungkulin bilang mag-asawa dahil tutol si Baron Manuel na matulog ang kaniyang anak at si Tonio sa iisang kama.
Samantala, tila nagseselos na naman si Carlo (Punjan Kawin Imanothai) kay Tonio kaya pinagbawalan na ng una si Pearl (Namwhan Phulita Supinchompoo) na isipin pa ang ibang lalaki maliban sa kaniya.
Patuloy na subaybayan ang The Herbal Master tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., sa GMA.
Balikan ang mga eksena sa The Herbal Master dito.
The Herbal Master: Tonio attempts to visit Chaba!
The Herbal Master: 'Patay na ba ako?' - Tonio
The Herbal Master: Ang unang araw bilang mag-asawa
The Herbal Master: Carlo, inaangkin si Pearl!
The Herbal Master: Chaba at Tonio, sinalakay ng magnanakaw