
Sa huling linggo ng The Herbal Master, naging malaking tulong kina Tonio (Mario Maurer) at Chaba (Kimberley Anne Woltemas) ang pagdating nina Carlo (Punjan Kawin Imanothai), Pearl (Namwhan Phulita Supinchompoo), Primo, at Kitty dahil tumulong ang mga ito sa pagpapagaling sa mga taong apektado ng epidemya.
Sa kasamaang palad, isa si Chaba sa mga nahawa sa malubhang sakit. Sa tulong ng iba pang mga doktor, nahanap na ang lunas laban sa misteryosong sakit at gumaling na ang mga taong naapektuhan nito.
Dahil dito, lubos na nagpasalamat ang mga taga-nayon sa mga doktor na nagpagaling sa kanila.
Makalipas ang isang taon, sinubukan nina Tonio at Chaba na magkaroon ng anak ngunit naunahan pa sila nina Chona (Pat Napapa Thantrakul) at Ping.
Sa huli, nakamit naman ng mag-asawang Tonio at Chaba ang kanilang hinihintay na biyaya dahil nagdadalang tao na ang huli.
Balikan ang mga eksena sa The Herbal Master dito.
The Herbal Master: Back up is here!
The Herbal Master: Lumalala na ang kalagayan ni Chaba
The Herbal Master: Ang pasasalamat at pagpapaalam sa mga doktor
The Herbal Master: Buntis na si Chaba!