
Sa ikatlong linggo ng The Herbal Master, sinubukan ni Chaba (Kimberley Anne Woltemas) na tulungan si Tonio (Mario Maurer) matapos matusok ang paa ng huli sa dagat ngunit hindi ito naging matagumpay.
Sa pag-uusap ng dalawa, ikinuwento nila sa isa't isa kung bakit nais nila maging mahusay na mga herbalista.
Sinabi naman ni Chaba kay Carlo (Punjan Kawin Imanothai) na magsisimula na siyang mag-aral ng tradisyunal na medisina at humingi rin ng tulong ang dalaga sa huli na huwag itong ipapaalam sa kanyang ina.
Samantala, labis na nagtampo si Tonio dahil sa hindi pagsipot ni Chaba ng ilang araw ngunit agad na lumambot ang puso nito nang dumating na ang dalaga.
Nang madiskubre ni Tonio na sa bahay ni Carlo nagpupunta si Chaba, nakaramdam siya ng pagseselos at nasigawan niya ang huli dahil sa galit. Dahil dito, hindi napigilan ni Chaba na maiyak at lumisan sa lugar ni Tonio.
Patuloy na subaybayan ang The Herbal Master tuwing Lunes hanggang Biyernes sa oras na 11:30 a.m. sa GMA bago ang Eat Bulaga.