GMA Logo The Herbal Master T Card
What's Hot

'The Herbal Master,' mapapanood na mamaya sa GMA!

By Dianne Mariano
Published April 18, 2022 10:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

The Herbal Master T Card


Mga Kapuso, handa na ba kayong kiligin sa tambalan nina Tonio (Mario Maurer) at Chaba (Kimberley Anne Woltemas) sa 'The Herbal Master?'

Mapapanood na simula April 18 ang Thai romantic-comedy series na The Herbal Master na tiyak maghahatid ng kilig at tuwa sa mga manonood tuwing umaga.

Pinagbibidahan ito ng mahuhusay na Thai stars na sina Mario Maurer (Tonio) at Kimberley Anne Woltemas (Chaba). Sa katunayan, nagwagi si Mario sa seryeng ito bilang Best Comedy Performance, at Best Actor in a Leading Role mula sa 2020 TV Gold Awards.

Kabilang din sa The Herbal Master sina Pat Napapa Thantrakul (Chona), In Sarin Ronnakiat (Primo), Tita Chayanit Chayjaroen (Kitty), Punjan Kawin Imanothai (Carlo), at Namwhan Phulita Supinchompoo (Pearl).

Ang kuwento ng The Herbal Master ay tungkol sa lalaking si Tonio na nasa pangangalaga ng kanyang Lolo Thong In, isang tradisyunal na manggagamot.

Hindi pinapayagan ni Thong In ang kanyang apo na maging manggagamot katulad niya dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari sa mga pasyente nito.

Sa kabila nito, nais pa rin ni Tonio na makapanggamot ng mga tao sa pamamagitan ng tradisyunal na medisina. Makikilala naman ni Tonio ang beautiful at fearless na si Chaba na nais din matuto ng tradisyunal na paggagamot.

Dahil dito, si Tonio ang magsisilbing tagapagturo ni Chaba ngunit tila aso't pusa ang dalawa dahil sa tindi ng kanilang asaran. May mabuo kayang pagmamahalan sa pagitan ng dalawa?

Huwag palampasin ang premiere ng The Herbal Master ngayong April 18, 11:30 a.m., sa GMA.