GMA Logo the herbal master recap
What's Hot

The Herbal Master: Nalaman ni Master Thong In ang panggagamot ni Tonio | Week 2

By Dianne Mariano
Published May 4, 2022 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP: Over 270K cops, non-uniformed personnel to get P20k incentive on Dec. 19
Disasters afflict 720,000 students, teachers in Cebu in 2025
Oscars to begin streaming on YouTube in 2029

Article Inside Page


Showbiz News

the herbal master recap


Nagalit si Master Thong In nang malaman na pinagaling ni Tonio (Mario) si Pearl (Namwhan Phulita Spinchompoo) mula sa sakit nito.

Sa ikalawang linggo ng The Herbal Master, nakita ni Tonio (Mario Maurer) si Chaba (Kimberley Anne Woltemas) na naka-makeup ngunit inasar lamang ng binata ang huli. Matapos magkaayos ang dalawa, nakaramdam ng pangangati si Chaba sa kanyang paa at tinulungan siya ni Tonio sa pamamagitan ng halamang gamot.

Upang mapagaling ang ama ni Chaba, magkasama ang dalaga at si Tonio sa paghahanap ng mga halamang gamot. Habang naghahanap ng puting lotus, tila inulan ng malas si Tonio nang makasama niya si Chaba dahil nabutas ang kanilang sinasakyang bangka.

Muli naman nagkrus ang landas nina Tonio at Pearl (Namwhan Phulita Spinchompoo) at tinulungan ng binata ang huli na magtago mula sa ina nito.

Samantala, nagalit si Master Thong In kay Tonio matapos niyang malaman na ginamot pala ng huli si Pearl mula sa sakit nito.

Nang dahil naman sa kagustuhan ni Chaba na maging herbalista, sinundan niya si Tonio upang samahan itong humanap ng mga halamang gamot.

Balikan ang mga eksena The Herbal Master dito.

The Herbal Master: Chaba's mesmerizing look

The Herbal Master: Finding love and herbs

The Herbal Master: Looking for the white lotus

The Herbal Master: The one that got away

The Herbal Master: Chaba, the herbal master