
Sa unang linggo ng The Herbal Master, nagkakilala sa unang pagkakataon sina Tonio (Mario Maurer) at Chaba (Kimberley Anne Woltemas) sa gubat dahil sa paghahabol ng mga maligno.
Nang makaharap ng dalawa ang mga ito, sila ay hinimatay at nakatulog sa gubat dahil sa sobrang pagod ngunit sa kanilang paggising ay bumungad ang tatay ni Chaba na mayroong dalang itak.
Unti-unti pa ring bumabalik sa alaala ni Tonio ang nakaraan, kung kaya't pinagbabawalan pa rin siya ng kanyang lolo Thong In na magsawa ng panggagamot.
Sa muling pagkikita nina Tonio at Chaba, humingi ng tulong ang dalaga sa una upang mahanap si Thong In para ipagamot ang kanyang ina ngunit nauwi lamang ito sa kanilang 'di pagkakaunawaan at asaran.
Sa pagbabalik ni Carlo (Punjan Kawin Imanothai) para hanapin sa Chaba, naabutan nito ang huli na nagsasanay sa paghawak ng espada at sinubukan ng una na makipag-duwelo sa dalaga.
Labis na nagulat naman si Chaba sa biglaang pagdating ni Tonio sa kanyang tahanan kaya pinagbantaan nito ang huli.
Patuloy na subaybayan ang The Herbal Master tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., sa GMA.
Balikan ang mga eksena sa The Herbal Master dito.
The Herbal Master: Tonio unexpectedly meets Chaba!
The Herbal Master: The healing herbs revealed
The Herbal Master: Tonio versus Chaba
The Herbal Master: Carlo, the forgotten friend
The Herbal Master: The unexpected guest