
Sa ikaapat na linggo ng The Herbal Master, masayang ibinalita ni Tonio (Mario Maurer) kay Chaba (Kimberley Anne Woltemas) na pinayagan na siya ni Master Thong In na maging herbalista.
Sa unang pagkakataon, nagkrus ang landas nina Chaba at Pearl (Namwhan Phulita Supinchompoo) dahil hinahanap ng huli si Tonio. Nakaramdam naman ng lungkot si Chaba nang biglang yakapin ni Pearl si Tonio.
Sa pag-uusap nina Tonio at Chaba, hindi nasabi ng una ang kanyang tunay na nararamdaman para sa dalaga. Matapos ito, nasaksihan ni Tonio ang pagyakap ni Carlo (Punjan Kawin Imanothai) kay Chaba.
Sa muling pagkikita nina Tonio at Chaba, sinabi ng huli na gusto pa niyang mag-aral ng tradisyunal na medisina ngunit iba na ang sitwasyon dahil itatali na ang kanyang puso kay Carlo.
Samantala, gumamit ng itim na mahika ang ina ni Pearl upang maging isa ang kanyang anak at si Carlo ngunit hindi ito naging matagumpay. Nang makita naman ni Tonio si Chaba na nalulunod sa ilog, agad siyang tumalon mula sa kanyang bangka para tulungan ang huli.
Maamin kaya nina Tonio at Chaba ang kanilang tunay na damdamin para sa isa't isa?
Patuloy na subaybayan ang The Herbal Master tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11: 30 a.m., sa GMA bago ang Eat Bulaga.