
Sa tulong ng isang eksperto ay nabigyang linaw ang kahalagahan ng Philippine tamaraw at ang panganib na kanilang kinakaharap ngayon.
Nitong April 14 sa Amazing Earth, ibinahagi ni Dingdong Dantes ang kuwento ng mga tamaraw mula sa Mindoro. Sa tulong nina June David ng Tamaraw Conservation Program at Grace Diamante ng Mindoro Biodiversity Conservation Foundation, Inc. ay nailahad ang importansya ng mga tamaraw at ang mga dapat gawin para maiwasan ang extinction nito.
Bukod sa mga tamaraw ay may iba't iba pang hayop na pinapangalagaan sa Mindoro. Panoorin ang mga kuwento ng Amazing Earth heroes na ito: