
Hinangaan ng ilang Pinoy journalists ang mapanuring pamamahayag na ipinamalas sa The Jessica Soho Presidential Interviews noong Sabado, January 22.
“Kudos, ma'am Jess! The questions centered on revealing the true character of the candidates. Kaya po mahalaga na magpa-interview sa mga mamamahayag. Mas mahirap po magpatakbo ng Pilipinas kaysa humarap sa mamamahayag,” ani Karen Davila, isang kilalang na news anchor.
Binigyang diin din niya ang halaga ng pagsalang ng presidential aspirants sa mga debate't panayam para mas makilala at makilatis pa ng sambayanang Pilipino ang mga plataporma't adhikain na inihahain nila sa bansa.
“The presidency is not only about competence and vision but also about character. Interviews with journalists help peel the layers for voters to get to know candidates. Bawat mamahayag, may kanya-kanyang istilo ng pagtatanong at nakakatulong lahat ito sa pagpili kung sino [ang] iboboto,” dagdag pa nito.
Muling pinaalalahanan ni Karen ang mga kumakandidato na ang pagtanong ng “tough or hard questions” ay ang tungkulin ng mga mamamahayag para sa mga mamamayan na kanilang pinaglilingkuran.
“The Presidency is no joke. The country and our children's future is at stake,” ani Karen.
Reading Jessica Soho's Pres Intrvws via @inquirerdotnet. KUDOS Maam Jess!
-- Karen Davila (@iamkarendavila) January 22, 2022
The questions centered on revealing the true character of the candidate. Kaya po mahalaga na mag-pa interview sa mga mamamahayag.
Mas mahirap po magpatakbo ng Pilipinas kaysa humarap sa mamamahayag
Sumaludo rin ang iba pang Pinoy journalists tulad nina Lian Buan at Llanesca Panti sa mahusay na pananaliksik na ginawa para sa mga katanungang ibinato sa dumalong presidential aspirants.
“Great, incisive, well-researched questions and excellent follow-ups and handling by Jessica Soho. This is truly a bias for truth, and for facts. Dasurv ng mga botante,” pahayag ni Lian sa isang tweet.
Great, incisive, well-researched questions, and excellent follow ups and handling by Jessica Soho. This is truly a bias for truth, and for facts. Dasurv ng mga botante.
-- Lian Buan (@lianbuan) January 22, 2022
Ayon naman kay GMA News reporter Llanesca Panti, patunay daw ang panayam na ito sa dekalibreng pamamahayag ni Jessica Soho.
Aniya, “Ma'am Jessica Soho is a bloody brilliant journalist and that is why she is hosting the Presidential Interviews."
Maam Jessica Soho is a bloody brilliant journalist, and that is why she is hosting the Presidential Interviews.
-- Llanesca T. Panti (@llanescajourno) January 22, 2022
Samantala, muling mapanonood ang The Jessica Soho Presidential Interviews ngayong January 29, 7:05 pm sa GTV.