
Makikita ang The Karate Kid star na si Ralph Macchio na full of pride sa Hollywood Walk of Fame at dahil mayroon na nga itong Hollywood star.
Ang aktor ay kilala sa kanyang role bilang Daniel LaRusso sa The Karate Kid noong 1984 at sa dalawang sequel nito. Ngayon, muling ginagampanan niya ang karakter sa Sony TV series na Cobra Kai.
Ayon sa aktor, siya ay overwhelmed sa bago nitong parangal.
"To have this star placed right next to my acting partner from that film, the great Pat Morita, is so meaningful to me, so powerful to me," binanggit ng aktor sa kanyang speech.
Dagdag nito, "Our partnership is something I always described as a soulful magic of The Karate Kid films, and he is still here today, blessing all these stories that are moving forward. I can feel him here."
Kamakailan lamang, si Ralph ay na-feature sa music video ng MOON MUSIC (Full Moon Edition) track, The Karate Kid, ng bandang Coldplay.
Maligayang pagbati sa iyong pinakabagong tagumpay, Ralph!
Tingnan pa ang ibang mga Hollywood celebrities na gumanap sa isang biopics: