
Pinag-uusapan ngayon sa social media ang romantic comedy drama film na The Last Goodbye, na pasok sa Top 10 movies list ng Netflix.
Bukod sa istorya ng pelikula, hinangaan din ng viewers ang acting skills ng Sparkle actor na si Matt Lozano, ang co-lead star dito ni Daniela Stranner.
Mababasa online ang positive reactions ng mga nakapanood na nito, at karamihan sa kanila ay napaiyak umano ng karakter ni Matt na si Xavier.
Narito ang ilang comments at reactions tungkol sa pelikula at sa husay na ipinamalas nina Matt at Daniela sa The Last Goodbye:
Bukod kina Matt at Daniela, parte rin ng film sina Esnyr, Karina Bautista, Arlene Muhlach, Bodjie Pascua, at iba pang aktor.
Samantala, ang actor-singer ay naging parte ng Voltes V: Legacy, kung saan nakilala siya bilang si Big Bert.
Kabilang ngayon si Matt sa regular cast ng longtime comedy show na Bubble Gang.
KILALANIN SI MATT LOZANO SA GALLERY SA IBABA