GMA Logo The Leaves Baifern Pimchanok Luevisadpaibul
Photo by: Heart of Asia Channel
What's on TV

Thai series 'The Leaves,' mapapanood na sa Heart of Asia Channel ngayong Oktubre

By Aimee Anoc
Published October 12, 2023 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Son of filmmaker Rob Reiner makes court appearance on charges he murdered parents
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

The Leaves Baifern Pimchanok Luevisadpaibul


Abangan si Baifern Pimchanok Luevisadpaibul bilang Nira sa 'The Leaves' ngayong Oktubre sa Heart of Asia Channel.

Saksihan ang isang kuwento ng pagbabago at paghihiganti sa pinakabagong Lakorn series ng Heart of Asia Channel, ang The Leaves.

Abangan ang award-winning Thai actress na si Baifern Pimchanok Luevisadpaibul sa isa sa kaniyang pinaka-challenging na role bilang Nira.

Iikot ang kuwento ng The Leaves sa isang batang lalaki na may pusong babae, na hindi tanggap ng sariling ama. Mula pagkabata ay pagmamalupit ang naranasan niya mula sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Ang tanging nagmahal lamang sa kaniya ng buo ay ang kaniyang ina.

Pagkatapos ng ilang taong pagdurusa at sa pagkawala ng kaniyang ina, nagbago siya ng anyo para balikan ang mga nagpahirap sa kaniya.

Makakasama ni Baifern sa seryeng ito sina Push Puttichai Kasetsin bilang Harvey, Sam Yuranunt Pamornmontri bilang Frank, Aun Witaya Wasukraipaisarn bilang Jimmy, at Tangmo Nida Patcharaveerapong bilang Sonia.

Mapapanood ang The Leaves simula October 14, 4:00 p.m. sa Heart of Asia Channel.

MAS KILALANIN SI BAIFERN PIMCHANOK LUEVISADPAIBUL SA GALLERY NA ITO: