
Ibinahagi ni Mikee Quintos na may epekto sa kanyang pag-arte ang COVID-19 pandemic.
Kuwento ni Mikee sa media conference ng The Lost Recipe, nahirapan siyang bumalik sa pag-arte nang mag-taping sila para sa kanilang bagong proyekto. Si Mikee ay gaganap bilang Chef Apple Valencia sa bagong romance-fantasy series ng GMA Public Affairs.
Photo source: The Lost Recipe
Ikinuwento niya rin na ang kanilang ginawang workshop sa The Lost Recipe ay may naitulong sa kanya para sa kanyang pagganap bilang Chef Apple.
“Para akong nag-back to zero for this project. As in kinilala ko ulit ang sarili ko. Parang minaximize ko 'yung workshops, ang laking tulong n'on.”
Ikinuwento rin ni Mikee na nakatulong sa kanya ang pagiging close sa kanyang mga katrabaho sa The Lost Recipe.
Ilan sa mga co-stars ni Mikee na nakasama sa first lock-in taping ay sina Kelvin Miranda at Paul Salas.
Sina Kelvin at Paul ay gaganap naman bilang sina Chef Harvey Napoleon at Frank Vergara. Silang dalawa ang magtatapat para sa puso ni Chef Apple sa serye.
Pag-amin ni Mikee, “Na-feel ko po 'yung slowly by the middle, one week in the first lock-in, nararamdaman kong bumababa na 'yung walls ko sa kanila. Lalo na nagiging close kami. Na-enjoy ko naman po. But there was a struggle.”
Abangan ang exciting at nakakakilig na pilot episode ng The Lost Recipe mamayang gabi, 8:00 p.m. sa GMA News TV.
Related content:
Mikee Quintos, nagdasal para magkaroon ng proyektong tulad ng 'The Lost Recipe'
'The Lost Recipe' full trailer earns 1M views on Facebook