
Sa ikatlong linggo ng The Love Trap, nabisto na ang lahat ng kasamaang ginawa ni Mutya (Ben Raviyanun Takerd) kayImelda (Amy Amika Klinpratoom).
Dahil sa hindi niya tanggap bilang pangalawang asawa ni Danilo (Tye Nattapol Leeyawanich) si Imelda, gumawa ng paraan si Mutya, ang unang asawa ni Danilo, para masiraan ito sa kanilang pamilya, lalong-lalo na sa biyenan nilang si Ginang Nora.
Ilan sa kasamaang ginawa ni Mutya ay nang sadyain nitong maglagay ng mga daga sa bubong ng bahay ni Imelda dahilan para dapuan ito ng kwago. Mayroong paniniwala sa kanilang lugar na may masamang pahiwatig o may mangyayaring hindi maganda kapag dumapo ang kwago sa isang bahay.
Nang makita mismo ni Ginang Nora ang kwago sa bahay ni Imelda, para makaiwas sa anumang masamang mangyayari, napagdesisyunan ng pamilya na manatili na lamang muna si Imelda ng siyam na araw sa templo.
Kahit na nasa templo, hindi tumigil si Imelda na matuklasan kung sino ang sumasabotahe sa kanya. Sa tulong nina Pearl (Fern Nopjira Lerkkajornnamkul) at Duang, nakagawa ng paraan si Imelda para mabisto ang kasamaang ginagawa sa kanya ni Mutya.
Hindi na rin pinalagpas ni Danilo ang paulit-ulit na pagsabotahe ni Mutya kay Imelda, at siya na mismo ang nagpalayas sa asawa.
Makakabalik lamang si Mutya sa mansyon kung magkakasundo na sila ni Imelda. Samantala, pumayag na rin si Ginang Nora na sa mansyon na tumira si Imelda.
Patuloy na subaybayan ang The Love Trap, Lunes hanggang Biyernes, 2:45 p.m. sa GTV.
Panoorin ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.
KILALANIN ANG CAST NG THE LOVE TRAP DITO: