
Sa huling linggo ng The Love Trap, para masiguro na tama ang kanyang hinala na maaaring si Imelda ang tunay na pumatay sa rice shop owner na si Ginoong Wang, patuloy na nag-imbestiga si King (Tao Sattaphong Phiangphor) sa tulong ni Pearl (Fern Nopjira Lerkkajornnamkul).
Gumawa ng paraan sina King at Pearl para makakuha ng ebidensya at una na rito ang fingerprint ni Imelda (Amy Amika Klinpratoom) para maikumpara sa fingerprint na naiwan sa kutsilyo na ginamit sa pagpatay kay Ginoong Wang.
Nang malaman ni Imelda ang pag-iimbestiga sa kanya nina King at Pearl, dito na pinagtangkaang patayin ng una ang huli. Agad namang nailigtas ni King si Pearl.
Totoo ang hinala nina King at Pearl na si Imelda ang pumatay kay Ginoong Wang. Ginawa ito ni Imelda para mapagtakpan niya ang ginawa ring pagpatay kay P'Sap, ang panganay na kapatid ni King sa taong 1913. Ipinagkasundo lamang si Imelda na maging asawa ni P'Sap at ang tunay na iniibig nito ay si Danilo (Tye Nattapol Leeyawanich), ang pangalawang kapatid ni King.
Samantala, sa tulong ng spell na ginawa ng matandang guro muli nang nakabalik sina King at Pearl sa kasalukuyan.
Panoorin ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.
KILALANIN ANG CAST NG THE LOVE TRAP DITO: