
Sa ikalawang linggo ng The Love Trap, pumayag si King (Tao Sattaphong Phiangphor) sa plano ni Tomas (Puri Hiranprueck), isang police director, na mag-disguise bilang anak ng milyonaryong pamilya na sina Ginoong Fabian at Ginang Nora. Ito ay para makakuha ng impormasyon sa totoong nangyari sa pagkamatay ng isang rice shop owner kung saan suspek ang past version niya na si King sa taong 1913.
Sa pagpasok sa mansyon, tuwang-tuwa si Ginang Nora na muling makita si King matapos ang ilang buwang pagkawala nito nang masangkot sa murder. Nagtagumpay si King sa pagpapanggap dahil maging ang kapatid nitong si Danilo (Tye Nattapol Leeyawanich) ay hindi siya pinaghinalaang ibang tao.
Sa mansyon, nakilala rin ni King ang dalawang asawa ni Danilo na sina Mutya (Ben Raviyanun Takerd), ang unang asawa, at Imelda (Amy Amika Klinpratoom), ang dating fiance ng panganay na kapatid nito na namatay kasabay ng rice shop owner.
Isang araw, napagbintangan si Mutya na nagnakaw ng ginto kung saan isang gold shop owner ang nagpunta sa mansyon at siningil ito sa mga kinuha niyang ginto. Ayon sa may-ari, inutusan ni Mutya ang katulong nito na kumuha sa kanya ng ginto, na agad naman niyang pinagkatiwalaan dahil sa sulat na nagpapatunay na si Mutya ang nag-utos at nag-iwan din ito ng deposito.
Pero pilit na itinanggi ni Mutya na wala siyang kinukuhang ginto. Para mapatunayan, si Ginang Nora na mismo ang naghanap sa bahay ni Mutya ng mga gintong alahas.
Mas lalong nadiin si Mutya nang makita sa bahay nito ang mga alahas na ginto. Para hindi na lumaki ang gulo, binayaran na lamang ni Danilo ang ginto. Pero hindi pumayag si King na hindi malaman kung sino talaga ang nagnakaw ng ginto kaya naman binigyan ni Ginang Nora ng isang araw si Imelda para patunayan na inosente siya.
Tumulong din si Pearl (Fern Nopjira Lerkkajornnamkul) sa pag-iimbestiga at dito na nila natuklasan ni King na ang kapatid ni Imelda ang may kagagawan nito.
Patuloy na subaybayan ang The Love Trap, Lunes hanggang Biyernes, 2:45 p.m. sa GTV.
Panoorin ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.
KILALANIN ANG CAST NG THE LOVE TRAP DITO: