
Sa unang linggo ng The Love Trap, si King (Tao Sattaphong Phiangphor) ang naatasang mag-imbestiga sa murder case ng isang sikat na restaurant owner, na bigla na lamang hindi nakahinga at tuluyang binawian ng buhay matapos na tikman ang bagong dessert na ginawa ni Pearl (Fern Nopjira Lerkkajornnamkul).
Dahil dito, isa si Pearl sa pinagsususpetsahang may kinalaman sa murder case. Nang marinig ito ng dalaga ay agad siyang umalis sa restaurant pero nasundan siya ni King.
Nang mapansin ni Pearl na sinusundan siya ni King, na isang police investigator, agad siyang tumakbo para matakasan ito. Pero natunton pa rin siya ng binata hanggang sa makarating ang paghahabulan nila sa isang pier.
Nang huhulihin na ni King, pilit pa ring itinanggi ni Pearl na may kinalaman siya sa pagkamatay ng restaurant owner. Dito na rin kinuhanan ni Pearl ng video ang pilit na pag-aresto sa kanya ni King. Sa pag-aagawan ng cellphone, kapwa nahulog ang dalawa sa ilog.
Laking pagtataka ni King nang pag-ahon niya sa ilog ay iba na ang kasuotan ng mga taong nakikita niya at maging ang kapaligiran niya. Hindi rin makapaniwala ang binata nang bigla na lamang may dumating na mga pulis para hulihin siya.
Dito na nalaman ni King na nasa taong 1913 siya at wanted ang past version niya sa salang pagpatay sa isang rice shop owner.
Nang makaahon naman si Pearl sa ilog, ay nakarating siya sa bahay ni Imelda (Amy Amika Klinpratoom) at dito na tuluyang nawalan ng malay. Nang magising, laking pagtataka niya na iba ang kasuotan ng mga kababaihan at maging ang pananalita ng mga ito. Kaya naman agad siyang umalis sa bahay ni Imelda at napadpad sa isang bahay aliwan kung saan siya ipinagbili ng mamang inakala niyang tutulong sa kanyang makauwi.
Sa pagtakas sa Chinese na bumili sa kanya, dito na inaresto si Pearl ng awtoridad. Dito na rin sila muling nagkita ni King at agad na ipinaliwanag ng binata ang nangyayari.
Sa huli, pinalaya ni Tomas (Puri Hiranprueck), isang police director, si King kapalit ng pagdi-disguise nito bilang ang King na anak ng milyonaryong si Fabian at Ginang Nora ng taong 1913. Ito ay para makakuha sila ng impormasyon sa totoong nangyari sa pagkamatay ng rice shop owner.
Subaybayan ang The Love Trap, Lunes hanggang Biyernes, 2:45 p.m. sa GTV.
Panoorin ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.
KILALANIN ANG CAST NG THE LOVE TRAP DITO: