
May dalawang bagong tahanan ang mga bida ng primetime!
Mapapanood na kasi sa dalawang karagdagang channels ang GMA Prime shows na The Master Cutter at Taskforce Firewall.
Simula Lunes, June 29, may simulcast ang back-to-back hit action series na ito sa digital channels na Heart of Asia at I Heart Movies.
Sa ika-walong linggo ng The Master Cutter, susubukang hanapin ni Atoy (Dingdong Dantes) ang mga magulang ng paslit na si Ibyang (Sienna Stevens).
Ibang hamon naman ang haharapin ng street-smart na si Ibyang sa pagsisimula niya sa pagpasok sa school for the first time.
Image Source: gmadrama (Instagram)
Sa ika-anim na linggo naman ng Taskforce Firewall, magkakaroon ng lamat ang tiwala ng team sa isa't isa at sa kanilang mga sarili dahil sa pagkawala ni Emma (Lexi Gonzales).
Kukuwestiyun ni Isa (Kylie Padilla) ang kakayanan bilang leader ng grupo.
Samantala, patuloy namang hahanapin ni Galo (Miguel Tanfelix) ang nawawalang kapatid salamat sa huling clue mula kay Emma.
Image Source: gmadrama (Instagram)
Pak na pak na drama at aksyon ang GMA Prime Actionverse!
Patuloy na tumutok sa The Master Cutter, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime. May simulcast ito sa GTV, Heart of Asia, at I Heart Movies.
Susundan ito ng Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May simulcast ito sa Heart of Asia at I Heart Movies at may second telecast naman sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaarin din itong panoorin ang mga programang ito nang sabay sa TV airing sa GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.