
Nagdagdag ng ningning sa world premiere ng family drama movie na Remember, na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, ang cast ng high-rating GMA Prime series na The Master Cutter.
Sa panayam kina Max Collins at Charlie Fleming, pinuri ng dalawa ang nakapagandang kuwento ng pelikula.
“Guys, bakit kayo ganiyan? Pinapaiyak n'yo kami. It really reminds you about how important it is to make memories with your family and love each other wholeheartedly” Sabi ni Max sa panayam ng 24 Oras.
Sinegundahan naman ni Charlie ang sinabi ni Max: “Pinapaiyak, pinapakilig lahat. I notice something funny, there was a little piece of The Master Cutter that was seen. If you find it, you'll find it.”
Present din sa premiere night sina Rio Locsin, Jo Berry, Sienna Stevens, Polo Ravales, Andrei Paras, Paolo Contis, Tom Rodriguez at Kelvin Miranda
Nakakataba sa puso, ayon kay Dingdong Dantes, ang natatanggap nilang papuri mula sa mga katrabaho sa show business.
Aniya, “Grabe ang pasasalamat namin sa mga kasamahan namin sa industriya. Many people we look up to, mga kasamahan namin sa trabaho at halos araw-araw. Kasi, talagang isa lang ang gusto natin magbigay ng magandang kuwento at masaya kami na they appreciate also our work.”
Ipinagmamalaki naman ni Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang ginawa nilang pelikula ng kanyang mister na si Dingdong.
Paliwanag niya sa "Chika Minute" ng 24 Oras, “Sa bawat ginawa namin mga eksena yata, nasabi ko sa mga anak ko yung mga pinagdaanan, mga emosyon na ibinigay namin dito. Siguro dun ako sa very excited kami na ibahagi ito sa mga makakapanood. Sabi nga namin, mabigyan ng hope ang buhay nila.”
Samantala, sa The Master Cutter, tumataas ang tensyon sa bawat episode, lalo na ang misyon nina Atoy (Dingdong Dantes) at Uno (Kelvin Miranda) na mahanap si Belladonna a.k.a Beatriz na ginagampanan ni Ahtisa Manalo.
Sinigurado ni Kelvin sa fans na hindi sila madi-dissapoint sa mapapanood sa patok na GMA Prime soap.
Aniya, “Aksyon man, sa dramahan man o kung saan man kami dalhin sa Tabang-Lupa, maraming salamat, mga Kapuso, at sana patuloy n'yo suportahan ang The Master Cutter. Marami pang kapana-panabik na mangyayari.”
Samantala, nominated naman ang The Master Cutter sa category na Primetime Drama of the Year sa GMANetwork.com Awards 2026.
Para sa buong impormasyon kung paano iboboto ang programa sa GMANetwork.com Awards 2026, panoorin ang video sa ibaba.
Patuloy na tutukan ang The Master Cutter: Anak ng Sinulid sa GMA Prime sa oras na 8:00 p.m. at ang simulcast airing nito sa GTV, Heart of Asia, at I Heart Movies.
GMANetwork.com Awards: HOW TO VOTE!