
Napa-'anak ng sinulid' ang viewers sa maaksyon at exciting world TV premiere ng GMA Prime series na The Master Cutter.
Trending online ang gun fight scene sa opening ng action-packed primetime series kung saan tampok sina Dingdong Dantes at Sparkle actor na si Miguel Tanfelix na gumanap bilang si Galo Villareal.
Kaya naman humataw nang husto sa TV ratings ang show nang nakakuha ito ng combined TV ratings na 10.5 percent na higit na mataas sa katapat nitong programa.
Samantala sa panayam ng 24 Oras kina Shuvee Etrata at Charlie Fleming, pinuri nila ang tumatayong leader nila sa The Master Cutter na si Dingdong Dantes dahil sa galing nito sa pakikisama sa lahat.
Kuwento ni Shuvee “Sobrang bait talaga ni Kuya Dingdong, hindi niya pinaramdam sa amin lahat na dapat kami matakot.
“You feel the warmth kapag nandiyan siya sa paligid and sobrang galing.” Pino-portray ng morena beauty ang role bilang Tonet sa serye.
Sabi naman ni Charlie Fleming, “He is very kuya po like on the set and even way before. What I super love about Kuya Dong is never talaga nagbago 'yung trato niya sa isang tao.”
Tutukan ang The Master Cutter sa GMA Prime, pagkatapos ng 24 Oras. At mapapanood n'yo naman ang delayed telecast nito sa oras na 9:45 p.m. sa GTV.
RELATED CONTENT: Strong chemistry powers 'The Master Cutter' cast