
Mas tumitindi na naman ang mga tagpo at revelations sa nangungunang primetime series ng bayan na The Master Cutter.
This week, level up ang pang-iinis ng school bully ni Ibyang (Sienna Stevens) na si Janine (Ericca Laude).
At sa magiging tapatan nila sa isang school pageant, sisiguraduhin ni Janine na isabotahe ang baby girl ng Barangay Tabang-Lupa.
Matulungan kaya siya ni Master Sungit (Dingdong Dantes)?
Source: GMA Network
Hindi na rin mapipigilan ang paglabas ng katotohanan na may mas malalim na ugnayan sina Atoy at Audrey (Max Collins).
Paano tatanggapin ni Atoy na may anak silang dalawa?
Source: GMA Network
Sundan ang pasabog na eksena sa number one TV series sa primetime na The Master Cutter na mapapanood sa GMA, GTV, Heart of Asia, and I Heart Movies sa oras na 8:00 p.m.
RELATED GALLERY: Strong chemistry powers 'The Master Cutter' cast