
Mapapalaban ang master tracker na si Atoy (Dingdong Dantes) sa magiging misyon niya sa The Master Cutter this week.
Alam na ni Samir (KC Montero) na na-compromise na sila at mainit ang mata niya sa diumanoy Sokolov brothers. Kaya magiging tila butas ng karayom ang mga gagawin ni Atoy para ma-retrieve ang laptop.
Mas magiging kumplikado pa ang lahat dahil sa kalagitnaan ng misyon ni Atoy ay magkikita pa sila ni Audrey (Max Collins).
Mapahamak din kaya ito sa high-stake mission ng ating bida?
READ: KC Montero, masaya sa reunion nila ni Dingdong Dantes sa 'The Master Cutter'
Isang rebelasyon ang magpapatindi sa galit ni Atoy dahil sasabihin ni Paldo (Polo Ravales) kung sino ang sumagasa kay Mang Delfin!
Ano ang gagawin ni Atoy kay Red (Paolo Contis) na siyang kumitil sa buhay ng ama?
Panoorin ang simulcast airing ng 'The Master Cutter' sa GMA, GTV, Heart of Asia, and I Heart Movies sa oras na 8:00 p.m..
#GMAPrime #TheMasterCutter #DingdongDantes
Dingdong Dantes: The remarkable journey of a true Kapuso icon