
Mga sikretong malapit nang sumabog ang yayanig this week sa mas intense na story ng The Master Cutter.
Habang busy sa pag-iimbestiga si Atoy (Dingdong Dantes) kung sino ang nasa likod ng mga nawawalang babae, si Raki nga ba o may ibang kidnapper.
Unti-unti naman nabibigyan ng linaw ang mga tanong ni Audrey (Max Collins) lalo na sa mga sikreto na tinatago sa kanya ng sariling pamilya.
This week, aalamin din niya ang Regalia family secret na nangyari habang siya ay nasa coma. Aamin kaya si Dmitri (Tonton Gutierrez) kung nabuntis ang unica hija niya?
Abangan din ang pinakahihintay na pagkikita nina Atoy at Audrey. Aamin din kaya ang dalawa sa mga lihim na tinatago nila sa isa't isa bago sila nagkahiwalay noon?
Tutukan ang mga paborito ninyong bayani sa primetime. Huwag papahuli sa pak na pak na kuwento ng The Master Cutter, pagkatapos ng 24 Oras.
At puwede n'yo rin ulitin ang misyon ni Atoy sa second telecast ng show sa GTV sa oras na 9:45 p.m.
RELATED GALLERY: The Master Cutters stars and their IG-worthy moments
'The Master Cutter' actresses with unmatched face cards