
Mga Team Atoy (Dingdong Dantes), pasabog ang mga susunod na episode ng high-rating na GMA Prime series na The Master Cutter.
Matapos ang pak na pak na mission ni Master Sungit para iligtas sina Tonet (Shuvee Etrata) at Queenie sa kamay ng kidnapper na si Enzo (Mark Herras), haharap sa bagong misyon ang master tracker para alamin ang tunay na pagkatao ng little sidekick niya na si Ibyang (Sienna Stevens).
May gagawin ding paghahanap si Audrey/Elaine (Max Collins) dahil nalaman na niya sa kanyang ama na si Dmitri (Tonton Gutierrez) na may isinilang siyang anak habang nagre-recover sa coma.
Maging hadlang kaya kay Audrey na ma-reunite siya sa kanyang baby sina Red (Paolo Contis) at Martina (Max Eigenmann)?
Mas pinalakas at pinalawak din ng GMA Network ang panonood sa nangungunang primetime soap ng bayan dahil simula June 29 pagpatak ng 8:00 p.m., mapapanood na ang The Master Cutter sa GMA at GTV. At may simulcast airing din ito sa dalawang channels na Heart of Asia at I Heart Movies.
For more information at exclusive updates sa The Master Cutter, please visit GMANetwork.com
RELATED CONTENT: STUNNING FACE CARDS OF THE MASTER CUTTER STARS