
Pasabog sa twist at revelations ang maasahan ng mga manonood sa bagong week ng The Master Cutter: Anak ng Sinulid.
Matatapos na ang paghahanap nina Atoy (Dingdong Dantes) at Uno (Kelvin Miranda) kay Belladonna.
Ano ang sikretong itinatago ng magandang mukha nito, na gagamapanan ni Miss Universe 2025 third runner-up Ahtisa Manalo?

Samantala, magkakaroon ng lamat ang relasyon nina Audrey (Max Collins) at Atoy dahil nakakasagabal sa buhay pamilya nila ang mga misyon nito.
Tuluyan bang mabubuwag ang pamilya ni Atoy at palitan siya ni Oscar 'Oka' Asuncion (Tom Rodriguez) bilang padre de pamilya nila Audrey at Ibyang (Sienna Stevens)?
Kumapit sa mga intense scenes sa The Master Cutter: Anak ng Sinulid sa oras na 8:00 p.m. Ang Book Two ng GMA Prime series ay may simulcast airing sa apat na channel na GMA, GTV, Heart of Asia, and I Heart Movies.
Related gallery: Who's joining the cast of The Master Cutter Book Two?