
Mga Anak ng Sinulid, lalagablab ang primetime viewing n'yo dahil isang bagong karakter ang makilala n'yo sa The Master Cutter this week.
Sasaklolo sa isang matinding sunog sa Barangay Tabang-Lupa ang firefighter heartthrob na si Uno Alcaraz (Kelvin Miranda).
READ: Kelvin Miranda's 'pogi' photos that will take your breath away
Masisilaw ang lahat sa angking kaguwapuhan ng matikas na bumbero, pero para sa iilan tulad ni Karla (Charlie Fleming), maituturing bang kakampi o kalaban ang bagong dating sa kanilang lugar?
Samantala, haharap sa pagsubok si Atoy (Dingdong Dantes) lalo na at nasa kamay na siya ni Samir (KC Montero)!
Bilang na ba ang araw ni Master Sungit at ang kailangan niyang i-rescue na si Lily (Chai Fonacier)?
Abangan ang pagdating ng Sparkle actor na si Kelvin Miranda sa The Master Cutter na mapapanood sa GMA, GTV, Heart of Asia, and I Heart Movies sa oras na 8:00 p.m.
RELATED CONTENT: FUN FACTS ABOUT KELVIN MIRANDA